Make your own free website on Tripod.com

Hwow! RAK en ROL!

rock_on.jpg

laguna.gif

Laguna Beach daw oh!

    

A commonly-used term for Filipinos, a Kababata is a friend from infancy, a childhood friend or old playmate with whom one shares the special and intimate understanding that can only come from having known each other since earliest childhood.
     Ok. Sige, tama na nga ang pa-English-English. Mukang dudugo na ilong ko eh. Let's just put it this way, mga bata-batuta, araw-araw magkakalaro,sabay-sabay lumaki, sabay-sabay nagkaisip, taadaah! Magkababata... 'yun 'yon. No more further explanations.
     Kami 'yung mga tao na magkaka-kilala na simula nung tubuan kami ng mga isip, hanggang ngayon na tinubuan na kami ng buhok sa iba't-ibang parte ng katawan. Anim na nilalang na nu'ng una eh puro laro lang ang nasa isip, pero ngayon natuto nang umibig... Naks!

mel.jpg

Ako po si Tuesday, at opo... ako po ang walang magawang autor-slash-editor-slash-brain sa likod ng blog-site na ito. Ang full name ko ay Tuesday Eugene Avena de los Reyes y Dongon Romano-Sucgang (whew!), pinanganak nung June 17, 01:35pm at Tuesday no'n s'yempre ('wag na yu'ng year, pwede?). Ako po ay isang hamak na average-everyday-sane-psycho-supergoddess lamang, pero multi-talented po ako.

     Marunong po akong sumayaw ('di nga?), ang totoo... magaling akong sumayaw. As a matter of fact, choreographer po ako. I may not be a huge fan of singing pero I was a member of some choirs some two years ago. Mahilig din akong mag-drawing. Graphic design, henna/permanent tattoo at face painting artist po ako minsan. Bukod sa mga nabanggit, marami pa akong ibang talents. Out of this world nga lang. Hehehe!

frankie.jpg

     Meron akong kakambal, si Frankie. Pinanganak s'ya ten minutes after ko. Probably the most intelligent among us, honor student kaya 'to nung high school. Katulad ko, choreographer din s'ya pero jazz ang specialization n'ya. Artista sa theater, one of the most respected sa theater namin, actually. At aminado ako, mas magaling s'ya sa'kin sa lahat ng bagay (except sa drawing). She's the prom queen, I'm in a marching band. She's the cheerleader, I'm sitting in the stands. Parang gano'n. Mas favorite s'ya palagi kasi alam n'ya how to flaunt what she's got. By the way, dati s'yang President ng youth council... lupit diba?

jellie.jpg

     Si Jellie Ann ang bestfriend ni Frankie, which only proves that birds of the same feather flock together. Hay naku, sila ni Frankie ang mga taong 'di mauubusan ng topic ng kwentuhan kahit yata mag-chika marathon sila forever. Si Jellie Ann na model. Si Jellie Ann na artista-material. Atleast 'yun yung sabi n'ya. Hehe!
     June 15 naman ang birthday nya, kaya triple-birthday celebration kami palagi. Actually, sine-celebrate namin yung birthday namin ng June 16th, para fair. Lapitin ng TV people si Insan ('yun yung tawag namin ni Frankie kay Jellie Ann), may Starstruck, may Viva Hotmen, may Pinoy Hotdog, at may SOP Boys. Pati nga si Pong Pagong niligawan s'ya eh (ka-rivalry si Kiko Matsing).

mak.jpg

     Si Mak, kuya ni Jellie. Kilala rin as Negro, AJ or Mark. Ang lalaking ayaw sa cellphone. Promise. Ayaw n'ya sa text-mates. 'Langya, hawakan mo cellphone ng taong 'to maya't-maya ang dating ng messages galing sa iba't ibang babae. Ewan ko nga ba kung bakit andaming girls ng payatot na 'to eh. At take note, ang gaganda ng mga naging girlfriends nito. Kaya kayo d'yan mga girls, tandaan n'yo ang mukha nito. Baka kayo na ang kasunod na ma-biktima n'ya. Harharhar!

dedong.jpg

     Ang pinaka-gwapo sa barkada, si Dedong. 'Pag nakikita ko ang mga mata nito... Siyet! Nakakapanlambot ng tuhod. Makalaglag-panty 'pag ngumiti, at ang mga ribs... hayup! Hahaha.
     Jayson ang totoong pangalan n'ya pero atin-atin lang 'to ha, bulol s'ya nung mga bata pa kami. Kaya 'pag tinanong mo s'ya ng "What is your name?" eh "Dedong" ang sagot n'ya. Bakit ba? Malapit naman sa Jayson ha. Ayun, simula non Dedong na ang tawag sa kanya. Hanggang sa natuwid na yung salita n'ya.

adine.jpg

     Lastly, si Adine. Pinsang-buo namin ni Frankie. At ang pinaka-close namin among the boys. Heart-throb ng campus nila, at siga ng Lourdes (subdivision kung saan kaming lahat nakatira). Tigapag-tanggol ko kapag may mga bastos na lalaki na hindi makapag-pigil sa kagandahan ko. Basta, s'ya na ang pinaka-sweet na guy na nakilala ko. Natatandaan ko, there was this one time when Frankie was crying kasi broken-hearted s'ya. Si Adine yung iniyakan n'ya. Kinantahan pa nga s'ya habang umiiyak eh, nakalimutan ko lang kung ano'ng title nun basta alam ko sa APO yun. And Adine improvised the lyrics to, "Nandirito kami 'mga insan' mong tunay aawit sa'yo. Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya kami'y kasama mo". Asteeg!

                                                                                                                                       
 
.

Orayt, mga men!
Pasok lang dito!

Blah! Blah! Blah!

Photo Galleries

  

FRIENDSTER ACCOUNTS
Opo, marunong din kami mag-friendster!
 
Tuesday's Friendster
 
Frakie's
Friendster
 

click here!

Jellie's Friendster

click here!

 
Mak's
Friendster
 

click here!

Adine's Friendster

click here!

Dedong's
Friendster
 

Aay! Si Dedong nga pala 'di marunong mag-friendster! Hwahahaha!

powered by lycos
SEARCH:Tripod The Web